Batang 90's Ka Ba?!

Are you a 90's baby?! If you're, well definitely you will like this the way I do:

  • Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa. lol.
  • May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo pa rin yun.
  • Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno. (pero ang alam ko na tirador nung bata ako eh ung dalawang stick ng bananaQ gagawin mong ekis tapos goma tapos Stork Candy wrapper para sa lagayan ng bato. ^^)
  • Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tigpipiso bawat isang set sa sari-sari store.
  • Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
  • Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
  • Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
  • Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay. Tinawag rin itong "Mighty Kid"
  • Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
  • Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
  • Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.

Voltes V versus Bioman
  • Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (si Jolina ang nagpauso nito.) haha.
  • Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
  • Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
  • May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
  • Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
  • Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.

Bazooka Comics
  • Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
  • Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base, brikidam 123. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
  • Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura".

I Love Collecting Funny Comics!
  • Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
  • Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
  • Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
  • Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
  • Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
  • Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.

Do You Play 10-20?!
  • Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
  • Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
  • Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mo sa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
  • Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
  • Sumasayaw ka ng Macarena.
  • Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
  • Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
  • Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads, Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage at kung anu-ano pang pinoy bands.
  • Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.

The Dog of Flanders...I Avidly Watched This!
  • Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
  • Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
  • Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa space ship o sa jeep na lumilipad.
  • • Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
  • Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta...", "...Kontra Bulate!"

I Cried When I Failed To Watch 'Shaider'!
  • Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos at Maskman. Saulo mo pa nga yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa.. Iligtas kami sa marahas na kadiliman... Kami inyong ipaglaban! Sugod, sugod laban maskuman, ipaglaban nyo ang katarungan.. Sige, sige laban maskuman.."
  • Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Prats.
  • Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Prats and Angelica Panganiban.
  • Gusto mong sumali sa ANG TV. Pero alam mong hindi na pwede. kaya kuntento ka na lang sa panonood nito tuwing 4:30 ng hapon.
  • Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
  • Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP.": Isa.. dalawa-tatlo.. apat-lima.. anim-pito-walo.. syam-sampu... labingisa-labingdalawa... labingtatlo... labingapat-labinglima...
  • Napanood mo ang Batang X. At ginawa ninyo ung hand formation nila. Yung labas ung hinlalaki at hinliliit at pag dudugtong dugtongin ninyo magkakaibigan.
  • Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.

Before, I Wish I Could Have Game & Watch!
  • Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles"
  • Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga sya mang-api kay Mara.
  • Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina" atbp.
  • Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowie. Jolina and Marvin.
  • Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat."
  • Kinakanta mo yung "Thank God it's Sabado, pati na rin Linggo..." at "Isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy".
  • Nasa channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
  • Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla na lang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
  • Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng linggo.
  • Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle and Roll movies.
  • Narinig mong i-announce sa radyo yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."

Cha or Chub?!
  • Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
  • Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose. Haha.
  • Kinokolekta mo ang Funny Komiks tuwing darating ang Biyernes dahil kila Combatron, Tumas en Kulas, Tinay Pinay, Niknok = Eklok, planet op di eyps etc.
  • Tuwang tuwa ka nuon pag may pumupunta na mga free drinks at food nuon sa skul. Tulad ng Sustagen, Nido, Milo, at kung hindi ako nagkakamali eh pumunta din ung Royal Spaghetti. (alam ko nagpauwi sila ng isang supot ng pasta nuon eh)
  • Inaabangan mo sa umaga o sa hapon sina Peter Pan, G-Force (Five teenage Champion), Mary at ang lihim na hardin, BTX, Zenki, Akazukin Chacha, Mighty Mouse, Dog of Flanders a.k.a. Nelo at Patrash.Tuwing weekends naman sila Masked Rider Black, Jetman, Fiveman, Time Quest, Battle Ball, Takeshi's Castle, Ping Ping ba un? Boyoyong Clowns, Flying House at 911??? *lol*
  • Alam mo din ang Valiente at Ana Luna.
  • Lagi mo din kinakanta yung "Nano Nano Candy". at mahilig ka bumili ng mga chichiria tulad ng Bahay Kubo dahil may nakukuha kang mga laruan tulad ng singsing na plastic, pambura, sundalong plastic kaso huli na dahil nalunok mo na ito.
  • Last Digit, Digit, Text Money Tatsing, cara y cruz, etc. mga sugal nung bata ka pa.
  • Madalas meron neto sa labas ng elementary school: Ice Scramble na kulay violet pag walang chocolate na hershey, nagtitinda ng Uang, Palabunutan ng Itik, sisiw at ang pinapangarap mo nuon na gameboy. Kwintas na ang palawit eh ung maliit na tube na may lamang tubig na may kulay o di kaya pangalang gawa sa wire or bago pa sayo nuon ang cross na umiilaw pag madilim, mga malalaking garapon ng lady's choice na may lamang mangga at singkamas na tinda ni lola na marumi ang kuko habang nilalagyan nia ng bagoong ang inorder mong mangga. Ice candy, santol.

Have You Got Crazy Over Sergio and Marimar?!
  • Sanay ka magbilang ng i-sa, dala-wa, tat-lo, a-pat, li-ma dahil sa teks.
  • Hustler ka rin sa larong teks(chub o cha?!), dampa (ginagamitan ng rio *tawag sa goma na pang tali sa buhok*, Gagambang Sabong, Super Trumps, Trumpo, Jolens, pati ung mga makukulay na parang beads na nilalagay sa ID lace na ginagawang jolens, tatsing ball.
  • May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang "PUNKS NOT DEAD!" pero kung gusto mong magplay safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL
  • Alam mo ang universal uwian song na "Uwian na!" na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal.
  • Alam mo ang ibig sabihin ng "TIME FIRST!"
  • Nagkaroon ka ng baseball cap na may silver kumikintab na stainless steel.
  • Nagkaroon ka din ng laruang gawa sa ballpen at lalagyan mo ng bala na balat ng orange sa magkabilang dulo at tutusukin mo ung isang dulo para tumalsik ung kabilang dulo sa mata ng klasmeyt mo.
  • Mahilig ka mambato ng halamang may tinik na bilog sa likod ng klasmeyt mo habang naglilinis kau sa garden na laging tinutubuan ng damo.
  • Sikat na chichiria nung bata ka ang pritos ring, rinbees, boogie man, cedie cornik, wonder boy (bata na idol ko dahil iba iba ang sasakyan bawat plastic), humpty dumpty (naalala ko may nagbaon neto nun sa bus nuong fieldtrip namin, Holy Cow sa baho!), LALA chocolate, Sunshine, Expo, Cry Baby, Starkist, Cheesedog, Sakanami, chickadees, tarzan, mr.cinco, chocoroll, caramel, cherryball, chocnut.
  • Gumawa ka din ng isang pinitpit at pinatalim na tansan ang ikinakabit sa tali na isinusuot naman sa mga hinlalaki ng magkabilang kamay. Paiikutin mo ang matalim na tansan na parang chain saw, tapos itatapat sa kalaban mong may hawak ding ganito. Panalo ka pag napatid mo yung tali nung kalaban. Talo ka pag tumalsik sa mukha mo yung blade at sumirit ang maraming dugo.
  • Madalas ka makakita ng mga nakapark na Bangaw sa skul at pag sinuwerte ang isang bangaw gagawaran cia ng mahabang sinulid sa buntot at presto may kaibigan ka ng bangaw. (pwede din ito sa tutubi at sa mga salagubang)

Bakit ba ang sarap balik-balikan neto? Enjoy!!!

Have you reminisce the good old days?! Yeah, it's really fun to go down the memory lanes! Hope you enjoy! c",)

Comments

Edlee said…
Inaccurate ang information mo dito. Most of the objects you featured are from the 80's not 90s. So I suggest you rename your article as 'Batang 80s ka ba?'
admin jhenny said…
grabe batang 90's ako!!! i really miss the old days :`(
Anonymous said…
It's a dog of flanders not planders!! haha
Anonymous said…
May mga post siya na hindi ko naranasan, pero halos lahat naranasan ko , nakakamiss nga ang 90's . Iba na kasi ang panahon ngayon e,
Rocky Batara said…
To: "It's a dog of flanders not planders" --> Sorry Typo error! Hehe
Rocky Batara said…
On: "Inaccurate ang information mo dito. Most of the objects you featured are from the 80's not 90s. So I suggest you rename your article as 'Batang 80s ka ba?' " --> Anu ka ba, hindi po "most of the objects" d2 ay galing sa 80's, Voltes V lang at Bioman ang nanggaling sa 80's but still they became a great hit in the early 90's!!! All the things that presented here are the hits of 90's, lahat ng mga bagay na kinalakihan natin ng 90's! I don't think renaming it as the 'Batang 80's" kasi puro 90's naman lahat ng nandito!! c",)
Paulo said…
sir, if i may ask, kaw ba yung original na author nitong list na to? thank you.
Rocky Batara said…
Nope it was my friend who originally wrote this. Nagdagdag lang ako!
Anonymous said…
cool....!!!!!!!!...i really miss those day...haizzz.....sarap maging bata ulit..!!!!......THANKS 4 SHARING diz wonderful memoriz.....kip up d gud work.!!!!
vdjcute said…
tama sila lahat.. kakamiss nga.. c EDLEE cguro nagka GAMEBOY na khit di pa uso.. kung may 80's man sa mga nabanggit.. i bet late 80's na rin nman mga yun.. Nmiss ko rin yung larong SIYATO(syato or siato.. whatever the spelling is).. yung pplaying with the two wooden sticks (1 long ang 1 half shorter).. Haayy.. kakamiss tlga ang mga good childhood memories...
Anonymous said…
good job supeeeeeeeeer relate ako dito hehhehee nx sa gumawa nito naalala ko tuloy lahat heheh
Anonymous said…
Sir with all due respect, mali po ang caption or pix nyo sa bioman/voltes v. G force po yan at turbo ranger
Anonymous said…
anong tawag dun sa kwintas na tube na may lamang liquid that comes in different colors?